Kinakailangang kompigurasyon
Ang pag-i-install ng Mandrakelinux, sa karamihan ng sitwasyon, ay kasing dali lamang ng paglagay ng inyong Installation CD sa inyong CDROM drive, at pag-re-restart ng inyong computer. Pakitingnan na lamang ang point 1.
PAALALA:
Sa ibaba ay nakalista ang iba't-ibang paraan ng pag-i-install ng Mandrakelinux:
Ang Installation CDROM ay bootable. Sa karamihan ng sitwasyon, ipasok lamang ang CD sa loob ng drive at i-reboot ang computer. Sundin ang mga instruksiyong nakasaad sa screen: pindutin ang [Enter] key para simulan ang pag-i-install, o pindutin ang [F1] para sa karagdagang tulong.
PAALALA:
Sa ilang laptops (mga portable computers), ang sistema ay maaaring hindi makapag-boot mula sa CD. Sa ganung sitwasyon, kailangan ninyong maghanda ng boot floppy. Tingnan ang point 2 para sa mga detalye.
Kung ang inyong computer ay hindi makapag-boot mula sa CDROM, kailangan ninyong gumawa ng boot floppy gamit ang Windows gaya ng sumusunod:
Sa pagsimula ng installation:
Kung sa anumang rason ang mga nakaraang paraan ay hindi tugma sa inyong pangangailangan (gusto niyong mag-network install, mag-install mula sa pcmcia devices o ...), kailangan niyo ring gumawa ng boot floppy:
Ito ang listahan ng mga boot images:
cdrom.img | mag-install mula sa CD-ROM |
hd_grub.img | mag-install mula sa hard-disk (mula sa Linux,
Windows, o ReiserFS filesystem) maaari ninyong i-configure ito para sa inyong sistema sa: http://qa.mandrakesoft.com/hd_grub.cgi |
network.img | mag-install mula sa ftp/nfs/http PAALALA: kailangan ninyong ipasok ang network_drivers.img sa loob ng inyong floppy drive kung sinabihan |
pcmcia.img | mag-install mula sa mga pcmcia devices (babala, karamihan ng pcmcia network adapters ngayon ay diretso nang suportado mula sa network.img) |
Maaari niyo ring i-burn ang boot.iso sa CDROM at mag-boot gamit ito. Suportado nito ang lahat ng paraan ng pag-i-install, cdrom, network, at hard-disk.
Maaari niyo ring gamitin ang text mode na pag-i-install kung, sa anumang rason, ay may problema kayo sa default na graphical na pag-i-install. Sa paggamit nito, pindutin ang [F1] sa may Mandrakelinux welcome screen, at i-type ang text sa may prompt.
Kung kailangan niyong i-rescue ang inyong kasalukuyang sistema ng Mandrakelinux, ipasok ang Installation CDROM (o anumang puwedeng boot floppy), pindutin ang [F1] sa may Mandrakelinux welcome screen, at i-type ang rescue sa may prompt.
Tingnan ang http://www.mandrakelinux.com/drakx/README para sa mga karagdagang teknikal na impormasyon.
Mahalagang paalala:
Ang "root" na account ay magbibigay sa inyo ng unrestricted access sa inyong sistemang Linux. Huwag gamitin ito maliban sa pag-configure o pag-administer ng Linux. Sa pang-araw-araw na gamit, gumamit ng normal user account na maaari ninyong i-configure gamit ang "userdrake" tool, o gamit ang mga commands na "adduser" at "passwd".
Para sa karagdagang suporta, tingnan ang sumusunod: