Mandrake Linux Instruksiyon sa Pag-install - Mandrake Linux 10.0 Pangangailangan * Pentium processor o katugma * CDROM drive * Pinakamababa ay 32 MB RAM, 64 MB ay rekomendado Ang pag-i-install ng Mandrake Linux ay, karamihan ng pagkakataon, kasing simple lamang ng paglalagay ng iyong CD na Pang-install sa iyong CDROM drive, at pag-re-restart ng iyong machine. Pakisangguni na lamang ang point 1. PUNA: * Kung ikaw ay mag-a-upgrade mula sa 7.x, 8.x o 9.x na mga salin ng Mandrake Linux, huwag kalimutang i-backup ang iyong system. * Sa pag-a-upgrade ng mga mas luma pang salin (bago pa 7.0) ay HINDI suportado. Sa ganung pagkakataon, kailangan mo nang gamitin ang fresh installation at hindi ang pag-a-update. ============================================================================ Sa ibaba ay nakalista ang iba't-ibang paraan ng pag-i-install ng Mandrake Linux: 1. Diretsong pag-boot mula sa CD 2. Paggawa ng boot floppy gamit ang Windows 3. Iba pang paraan ng pag-install ============================================================================ 1. Diretsong pag-boot mula sa CD Ang CDROM na pang-install ay bootable. Sa karamihan ng pagkakataon, ilagay lamang ang CD sa drive at i-reboot ang machine. Sundan ang instruksiyon na nakasaad sa screen: pindutin ang [Enter] key para simulan ang pag-i-install, o pindutin ang [F1] para sa karagdagang tulong. PUNA: Sa mga portable na computer, ang system ay maaaring hindi mag-reboot mula sa CD. Kung ito ang kaso, subukang mag-boot sa pangalawang CD: ito rin ay bootable, at gumagamit ng "safer" boot process. Kung sinabihan, palitan ang CD. Kung ang pangalawang CD ay hindi rin mag-boot, kailangan mong maghanda ng boot floppy. Tingnan ang point 2 para sa detalye. ============================================================================ 2. Paggawa ng boot floppy gamit ang Windows Kung ang iyong computer ay hindi makapag-boot mula sa CDROM, kailangan mong gumawa ng boot floppy sa loob ng Windows gaya ng mga sumusunod: * ipasok ang CDROM, tapos buksan mo ang icon na "My Computer", i-right click mo ang CDROM drive icon at piliin ang "Open" * puntahan mo ang "dosutils" directory at i-double-click ang icon na "rawwritewin" * magpasok ng walang lamang floppy sa floppy drive * piliin ang "D:\images\cdrom.img" sa loob ng "Image File" field (pinapalagay na ang CDROM drive ay "D:", kung hindi palitan ang "D:" ng kinakailangan) * piliin ang "A:" sa loob ng "Floppy Drive" field tapos ay i-click ang "Write". Para simulan ang pag-i-install: * ipasok ang CDROM sa loob ng drive, pati na rin ang boot floppy, pagkatapos * i-restart ang computer. ============================================================================ 3. Iba pang paraan ng pag-install Kung sa anumang rason ay ang mga nabanggit na mga paraan ay hindi bumabagay sa iyong pangangailangan (gusto mong mag-network install, pag-install mula sa mga kagamitang pcmcia o ...), kailangan mo ring gumawa ng boot floppy: * Sa ilalim ng Linux (o ibang makabagong mga UNIX system) i-type sa prompt: $ dd if=xxxxx.img of=/dev/fd0 * Sa ilalim ng Windows, sundan ang paraan na nakasalaysay sa point 2, pero gamitin ang xxxxx.img (tingnan sa baba) sa halip na cdrom.img. * Sa ilalim ng DOS, pinapalagay na ang iyong CD ay drive D:, i-type: D:\> dosutils\rawrite.exe -f images\xxxxx.img -d A Narito ang listahan ng mga boot images: +---------------+----------------------------------------------------+ | cdrom.img | pag-install mula sa CD-ROM | |---------------+----------------------------------------------------| | hd.img | pag-install mula sa hard-disk (mula sa Linux, | | | Windows, o ReiserFS na filesystem) | |---------------+----------------------------------------------------| | network.img | pag-install mula sa ftp/nfs/http | |---------------+----------------------------------------------------| | pcmcia.img | pag-install mula sa mga kagamitang pcmcia | |---------------+----------------------------------------------------| | hdcdrom_usb.img | | | pag-install mula sa hard-disk o cdrom na konektado | | | sa USB | |---------------+----------------------------------------------------| | network_gigabit_usb.img | | | pag-install mula sa network na may gigabit o USB | | | adapter | |---------------+----------------------------------------------------| | blank.img | pag-install gamit ang iyong sariling Linux kernel | +---------------+----------------------------------------------------+ Para gamitin ang blank.img, magbuo muna ng iyong sariling custom Linux kernel, binubuo ng lahat ng kinakailangang suporta sa loob ng kernel image (hindi bilang module). Ngayon, pagkatapos ng paggawa ng floppy mula sa blank.img, kopyahin ang iyong "vmlinuz" kernel image papunta sa floppy. ============================================================================ Maaari ka ring gumamit ng text mode na pag-i-install kung, sa anumang rason, mayroon kang naging problema gamit ang default na graphical na pag-i-install. Para gamitin ito, pindutin ang [F1] sa may Mandrake Linux welcome screen, tapos ay i-type ang text sa may prompt. Kung kailangan mong i-rescue ang iyong ginagamit na Mandrake Linux system, ipasok ang iyong Pang-install na CDROM (o anumang tugmang boot floppy), pindutin ang [F1] sa may Mandrake Linux welcome screen, tapos ay i-type ang rescue sa may prompt. Tingnan ang http://www.linux-mandrake.com/drakx/README para sa mas karagdagang mga teknikal na impormasyon. ============================================================================ Sa ibaba ang lahat ng pangunahing mga hakbang sa pag-i-install: 1. Ipasok ang iyong Pang-install na CDROM (o Pang-install na Floppy disk kung kinakailangan) at i-restart ang iyong machine. 2. Pindutin ang [Enter] kapag ang Mandrake Linux welcome screen ay lumabas na at maingat na sundan ang mga instruksiyon. 3. Kapag kumpleto na ang pag-i-install ay alisin ang CD-ROM kapag inilabas na (at anumang floppy disk na nakalagay pa sa drive); ang iyong machine ay kusang mag-re-restart. Kung hindi, i-restart ito. 4. Ang Mandrake Linux ay magsisimula. Pagkatapos ng pag-bootup, maaari ka ng mag-login sa iyong machine sa ilalim ng user account na ginawa habang nag-i-install, o bilang "root". Mahalagang puna: Ang "root" account ay magbibigay sa iyo ng walang limitasyong access sa iyong Linux system. Huwag itong gamitin maliban sa pagaayos o pangangasiwa ng Linux. Para sa araw-araw na gamit, gamitin ang normal na user account na maaari mong ayusin gamit ang "userdrake" tool, o gamit ang mga command na "adduser" at "passwd". Good luck sa paggamit ng Mandrake Linux ! ============================================================================ Para sa karagdagang suporta, tingnan ang mga sumusunod: * E-Support sa http://www.mandrakeexpert.com/ * Mga Pagkakamali sa Mandrake sa http://www.mandrakelinux.com/en/errata.php3 * Mga Balita sa Seguridad sa Mandrake http://www.mandrakesecure.net/en/advisories/ * On-line na Dokumentasyon sa http://www.mandrakelinux.com/en/fdoc.php3 * Magbasa at Sumali sa On-line na Talakayan ng Mandrake Club sa http://www.mandrakeclub.com/ * Sumali sa mga Mailing List sa http://www.mandrakelinux.com/en/flists.php3 * Madaliang Paghahanap ng mga Mailing List Archive sa http://marc.theaimsgroup.com/ * Maghanap sa Internet gamit ang Google http://www.google.com/ * Maghanap sa mga Usenet Group gamit ang Google Groups sa http://groups.google.com/ ============================================================================