Ang mga nilalaman nitong CD-ROM ay may mga pagpapatunay na pagmamay-ari ng, Copyright (C) 2003, MandrakeSoft S.A. at iba pa. Pakitingnan ang mga kanya-kanyang mga pagpapatunay, copyright notices, sa bawat source package para sa mga kondisyon ng pamamahagi. Ang mga kondisyon ng pamamahagi ng mga tools na copyrighted ng MandrakeSoft at Red Hat Software ay nakasaad sa file na COPYING.
Ang Mandrake at ang kanyang logo ay tatak ng MandrakeSoft S.A.
Itong talaan ay nakaayos gaya ng nakasaad:
|--> Mandrake/ | |
| |--> RPMS/ | mga binary package |
| |--> base/ | maliliit na mga filesystem setup archive |
| `--> mdkinst/ | larawang gamit sa graphical na pag-i-install |
|--> images/ | mga larawan sa pag-boot |
|--> doc/ | mga tulong pang-install sa iba't-ibang wika |
|--> dosutils/ | mga kagamitang pang-install sa DOS |
|--> misc/ | mga source file, install tree |
|--> VERSION | kasalukuyang numero ng salin |
|--> RPM-GPG-KEYS | GNUPG key signing Mandrake RPMs |
|--> COPYING | impormasyong pagma-may-ari, copyright |
|--> INSTALL.txt | instruksiyon sa pag-install |
`--> README.txt | ang file na ito sa text mode |
Kung ito ay isasalamin sa partition o sa NFS volume, kailangan mong ilagay ang lahat sa ilalim ng "Mandrake/", pati na rin ang mga disk image mula sa "images/" na kakailanganin mo para sa iyong system.
Tingnan ang install.htm na file.
MAHALAGANG PUNA PARA SA COMPATIBILITY:
Ang Mandrake ay ginawa gamit ang mga pag-o-optimize ng bilis ng CPU para sa Pentium-class (Pentium(tm) at mga katugma, AMD K6, Cyrix M2, PIII...) kung kaya't HINDI ITO TATAKBO sa mas lumang mga i386 at i486 based na computer. Ngunit, may espesyal na salin na binuo para sa ganung mga CPU na magiging available sa aming mga servers at sa mga murang CD-Rom.
Lahat ng mga bawat Mandrakelinux package ay kasama ang kanilang mga source na matatagpuan sa source-CD (PowerPack na Edisyon).
Maaari mong i-download ang lahat ng mga source package mula sa aming mga FTP servers.
Kung ikaw ay walang convenient na Internet access, ang Mandrakelinux ay maaari kang padalhan ng source archive ng may kaunting bayad.
Para sa may mga web access, tingnan ang
Bukod dito, access sa aming mga mailing list ay makikita sa:
Kung ikaw ay walang kaukulang web access maaari ka pa ring mag-subscribe sa pangunahing mailing list. Para mag-subscribe, magpadala ng e-mail sa sympa@linux-mandrake.com kasama ang
subscribe newbie
sa katawan ng liham.
Kapag ikaw ay hindi nakatanggap ng dokumentasyon kasama nitong produkto, maaari kang um-order ng Mandrake PowerPack na Edisyon (ilang mga Mandrake CD + Patnubay sa Pag-i-install & Paggamit + suporta sa pag-i-install!) mula sa aming on-line na bilihan na matatagpuan sa:
Ang MandrakeSoft ay maaabot sa: